Wednesday, August 03, 2005
**Kung galing ka sa Friendster blog ko.. hindi talaga kulam un. Un ang sinasabi ng mahal kong si Gramms tuwing nasasamid kami o nabulunan, o nahirinan..
SIGING SIGING!
HULI KALAG!
LAGPOT KALAG!
At nawawala nga ang nakabara sa aming mga trachea.. aba, baka nga kulam yun..
***
--Hindi ko maintindihan kung bakit may lihim na galit sa akin ang mga... microscopes. Mabait naman ako sa kanila. Wala pa naman akong minomolestya, binasag o winalang microscope pero kahit noon pa, wala kaming magandang history. Kahit mahal ko ang biology, nakakakita lang ako ng malinaw na micro organism kung may ibang nag-ayos ng microscope. At kanina, kailangan kong gumamit ng microscope at naku! Wala nanaman akong makita!
Tuloy, tinuruan ako ni Leigh gumamit ng 'scopes.. May nakita ako.. pero hindi pa rin malinaw. Pero sabi ko malinaw na kasi baka sabihin ang slow ko naman.. kaya lang hindi nya alam na may lihim na galit talaga sa akin ang mga microscope.. bow.
-Bisitahin nyo lahat ng nakalink sa akin.. lalo na si Super Itik!
she told
the story ...
1:36 AM