San ka pa? Eskimo ititch!
Ngayon, Filipino time yung snow. Late dumating. Kahit yung mga pinagpipitagang meteoroligists sa TV nagkamali sa pag-predict kung kelan nga ito darating. May excuse na sila: unpredictable daw ang first few days of winter. Yeah right. Buong weather naman, mapa-spring, summer o fall, unpredictable. Malalaman mo na lang na may bagyo sa labas kasi ang lakas ng hangin at ulan. At malalaman mo na lang na may snow dahil malamig at ang puti na ng kalsada. Binalakubak. Big thanks ha.
Nakakita na ko ng snow dati. Pero patapos na. Yung tinatawag na "flurry" na lang naabutan ko. Yun mas maliliit at mas maninipis. Parang ulan lang pero yelo pala. Parang balakubak talaga. Pero eto ngayon, ung totoong snow. Di ako handa. Paglabas ko ng trabaho, naka-parka ako (ung jacket na makapal), thermal boots at gloves. Akala mo ready for action. Pero paglabas ng mukha ko. Sapul! Derecho sa mata ko ung malaking snowflake! Aray!!! Samamabits! Di ako handa dun ah. Wish ko lang, pagbigyan ng konti ang mga nakikituloy lang sa bahay ni Uncle Sam at hindi sanay sa malamig na panahon... wish ko lang.
Pero kahit papaano, ayos pa naman. Siguro pag nasa -0 degrees na ang temperatura, baka mas marami na akong expression na mahihiram kay Zsa Zsa Zaturnnah!
***
YAKKED SOMEWHERE: Looking out the window, on the snowy front yard, my little cousin Aaron sings, "Twingle bells, Twingle bells, Twingle all the wayyyy..."
Super Itik
Itik's Art
Mr_D
Epril
Afie
Aubrey
link
link
Designer:
ICE ANGEL and Kerrie
Brushes:
1|
2|
3
BaseCodes by
!takeaway