Isang mahiwagang pangyayari ang magaganap bago magtapos ang taong 2005. Madadagdagan umano ng ISANG SEGUNDO ang oras bago tuluyang maging alas-Dose ng unang araw ng bagong taon! Paano ito nangyari? Dahil sa pagbilis-pagbagal ng pag-inog ng mundo-- dala na rin ng maraming bagay tulad na lamang ng paglaki at pagkati ng tubig (tide, po para sa mga Ingglisero).
Sapagkat kontrolado ng mga dalubhasa sa Siyensiya ang tinatawag nilang "atomic clock", na siyang pamantayan ng oras sa mundo, minarapat nilang dagdagan ng isang segundo ang taong ito. Dahil dito, sa lahat ng atomic clocks--kasama na siguro ang "auto update clocks" ng mga kompyuter (pero di ako sure)-- makikita ang oras na... 23:59:60. Gawin mo ang kompyutasyon at ang huling minuto ng taong 2005 ay mayroong 61 segundo!
Dahil dito, napaisip ako kung ano ang nararapat kong gawin sa sobrang oras na ito. Minsan lang tayo mabigyan ng sobrang oras. Mas madalas, nakakarinig ako ng reklamo tungkol sa "kulang na oras". Eto na, isang segundong sobra! Ano kaya ang magandang gawin para maging makabuluhan ito sa buhay ko? Hmmm...
Maikli lang ang isang segundo ano kaya ang magagawa mo sa loob ng oras na ito? Di ka pwedeng tumawag kasi pagpindot pa lamang sa telepono eh sobra na sa isang segundo... Di ka pwedeng kumanta kasi tatlong salita lang karaniwan ang kasya sa isang segundo... Ano nga kaya?
1. Ngumiti (Pinakamadali)
Kahit ano pa man yan, sana ay maging masaya ang pagsalubong ninyo sa bagong taon. At wag mong kalilimutan... pag-atat na atat ka nang tumalon pagsapit ng alas-Dose sa orasan mo, malamang hindi atomic clock ang gamit nyo kaya de-kamay ang pagdagdag ng isang segundo. Orayt?
Manigong Bagong Taon!
Super Itik
Itik's Art
Mr_D
Epril
Afie
Aubrey
link
link
Designer:
ICE ANGEL and Kerrie
Brushes:
1|
2|
3
BaseCodes by
!takeaway