Nami-miss ko man ang paksiw na galunggong, mas nami-miss ko ang Paskong Pinoy.
Nami-miss ko na ang mga makulay na parol na umiilaw. Di pa kami nagkakaroon nun sa tagal ng pananatili namin sa Villamor Air Base, mahal daw kasi. Pero dito sa Minnesota, meron na kaming parol na umiilaw! Pero di pa rin kagaya ng Parol na nakikita ko sa kalsada.. Yung giant. Yung malayo pa lang, kitang-kita mo na at masasabi mo sa sarili mong..."Ay! Laki ng parol nila! Mayaman siguro yang mga yan.."
Isa pa sa talagang nami-miss ko ay ang mga Pinoy Christmas carols. "Pasko na naman..", "Pasko na sinta ko.." at ang all-time favorite ko na "Christmas In Our Hearts"! Altogether now! Whenever I see girls and boys selling lanterns on the streets... Naks!
Kahit minsan ay nang-aasar na, at minsan ay memorized mo na kung aling ngipin ang may bungi sa kanila, nakaka-miss din yung mga nangangaroling. Gamit lang nila e pinitpit na tansan at alkansiya, aba mantakin mo namana ng galing ng Pilipino.. Sabihan ka mang makunat ka kapag Piso lang ang binigay mo, di ba, aminin! Gusto mo naman silang makita nek year para malaman mo kung sungki na ang ngipin nila o may malaking ngipin na dun sa dating bungi. (Oo, pare-pareho lang ang mga batang nangangaroling sa amin!)
Kahit mahal, di hamak na mas masarap ang honey-glazed ham sa Pilipinas kesa sa turkey ham dito! Mayabang lang ang ibang Pinoy na nakasampa sa Amerika at pinagyayabang ang turkey pero marami naman akong kilala na ayaw sa turkey dahil.. ta-dan! Walang lasa! Pfffhhhhhhhh! Mabuti pa yung pork na ham na gawa ng Purefoods o Swifts masarap talaga. Pork or bust! *Hoy perv! I didn't mean it that way! >( *
At eto ang matindi. Nakaka-miss rin yung mga korning palabas sa TV na trying hard magpakita ng spirit of Christmas to the point na maglalagay ng pekeng snow sa pamamagitan ng paggayat ng styrofoam.. haha Korni talaga.. pero nakaka-miss pa rin.
Malapit nang mag-Pasko, mga kababayan. Maligayang Pasko at maligo kayo sa Bagong Taon. Okey? Orayt
***
Thinking aloud... Ano ang ginagawa ni Santa Claus sa Narnia? Ang korni tuloy.
Super Itik
Itik's Art
Mr_D
Epril
Afie
Aubrey
link
link
Designer:
ICE ANGEL and Kerrie
Brushes:
1|
2|
3
BaseCodes by
!takeaway