Malapit na akong magresign sa aking trabaho... malapit na kasi akong umuwi. Marami akong plano para sa mga susunod na linggo.. pero hindi ko ito magagawa until magawa ko na ang kauna-unahan kong dapat gawin: Ang mag-resign.
Natatakot ako na magresign. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala kasing nakaka-alam sa gagawin ko. Ayoko rin na pagbigay ko ng 2-weeks notice ay tanungin nila ako kung bakit. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko kung bakit ako magreresign. Ang alam ko lang dapat na akong magresign dahil may ticket na ako pauwi.
Kawawa naman ako. What a dilemma. Ang masaklap pa ay bigayan ng bonus sa June. Malaki ang kinita ng Medtronic ngayong fiscal year na ito. Kaya inaasahan ng lahat na magkakaron ng malaking bonus. Sana matanggap ko rin yung akin kahit na resigned na ako.
Eto pa ang problema, pagkatapos kong magresign, ang pinakahuling tseke na matatanggap ko ay malamang makukuha ko pagdating ko na sa Pinas. At ang tseke na yun ay hindi agad mai-cacash sa Pinas. Isang buwan pa daw ang clearing nun. Haay.
Pero ang pinakaproblema ko talaga ay kung paano magpaalam sa mga kaibigan. Malamang sa hindi, hindi ko na makikita ang mga taong ito. Sana pwede akong magdala ng digicam para mapicturan ko sila. Remembrance, kumbaga. Haay. Ang hirap naman. Welcome po kayong magbigay ng advice....
Super Itik
Itik's Art
Mr_D
Epril
Afie
Aubrey
link
link
Designer:
ICE ANGEL and Kerrie
Brushes:
1|
2|
3
BaseCodes by
!takeaway