Minsan lang akong gumimik. I'm a night creature, pero hindi ko hilig gumimik. Ayoko ng disco dahil hindi ako marunong sumayaw. Ayoko ng mga bars kasi hindi ako umiinom at nasu-suffocate ako sa usok ng sigarilyo. At paranoid ako sa kasabihang second-hand smoke is an even more lethal killer than actual smoking.
Anyways, dahil andito ang pinsan kong si Michalis, nagpasya kaming gumimik. Ako, ang ate ko si Michelle, at pinsang sina Kris, Mike, Barry at John. HIndi namin alam kung san kami pupunta... pero dahil nasa Roxas Blvd na kami, tumuloy na kami sa Malate.
Naligaw pa kami sa Malate kakahanap sa Ratsky. Yun lang kasi ang pinakamatino kong maisip na bar sa Malate... nang hindi namin yun mahanap, dumerecho na kami ng Nakpil. Dun marami nang bar at marami na ring mapagtatanungan kung san ang Ratsky. Pagka-park ng kotse, naitanong namin sa mama kung san nga ba ang Ratsky. Dun daw pagkalamas ng Ministop. Paglampas namin ng Ministop, wala namang Ratsky kaming nakita kaya nawala pa kami ulit... Hanggang sa makakita kami ulit ng Ministop...at andun nga ang Ratsky... Sa ilang beses naming hinanap ang bar na ito, hindi na rin kami tumuloy. Hindi kasi namin kilala yung bandang kumakanta....
Dahil wala talaga kaming direksyon, napagpasiyahan namin na mapirmi na muna sa isang lugar dahil pagod at gutom na kaming lahat. Kaya dumerecho na kami sa Padi's Point. P200 consumable na. Baaaad choice. Pag pasok pa lang namin, wala nang kabuhay-buhay ang lugar na ito. Ang dilim, parang hindi mo dapat tingnan ang mga sulok dahil baka may makita kang ayaw mong makita. Eto pa naman yung Padi's na notorious dati dahil may nahuling gumagawa ng milagro... At eto pa, wala man lang palang banda dito sa lugar na ito. Disco lang daw. Dahil may tatak na kami, di na kami pwedeng umalis kaya nag-order na lang kami ng makakakain. Pagkatapos kumain ay lumayas na kami sa lugar na yun. Peste. Baaaaaad choice. HIndi na ako babalik sa Padi's Point, Malate.
Dahil mukhang bored na bored na ang mga boys naming pinsan ay pinapili namin sila. Ano ang gusto nyong puntahan? sa comedy bar o sa mga babae? Tinatanong pa ba yun??? Malamang sa babae!!! E di nagpunta kami sa isang bar sa Nakpil. Ayoko na banggitin ang pangalan baka puntahan mo pa. Pero madali naman yun matunton. P100 ang entrance. May mga ledge dancers dito tulad ng sa Coyote Ugly... siguro naman matutuwa na ang mga pinsan namin... Pagpasok, ayon na nga. Mga girlalu na nagsasayaw ng kung ano-anong "sayaw" daw yun. More like, gumigiling. Umorder na lang kami ng kape... Kape sa BAR!!! Meron silang lead dancer na maganda at napakaganda talaga ng legs. Nakaka-inggit... Subalit--
Maya-maya ayan na ang hindi inaasahan... Ang "Take it off" portion... Ikinagulat ko ng labis nang tanggalin ng isa ang kanyang pantaas! at mas lalo kong kinagulat ng tanggalin ng sumunod na tatlong babae-- including si Christine, yung lead dancer-- ang kanilang pambaba! Yikes!!!! Tuwa talaga ang mga pinsan ko. Tsk. Subalit--
Meron pa! Nang lumalim ang gabi mukhang hindi na maganda ang mga nangyayari... nang tawagin ang isang mamang may "berday" daw. Pinapunta siya sa stage at ginilingan ni Christine. Tinanggalan pa ng damit at ginilingan. Ay bastos na babae. Akala ko pa naman ay may future siya sa EB Babes hehehe. Sa Seiko films pala mapapanood to si Christine kung sakali. Nung mga panahon na yun, pakiramdam ko ay nasa isang cheap bar lang kami. At hindi dapat nanonood ng mga bagay ng tulad non. TSK.
Eto pa!!! May bata ba naman sa loob?!? Pano nangyari na pinayagan nilang papasukin ang isang 5-year-old na batang babae dun? Kahit pa may kasamang magulang, hindi dapat pinapasok yun dahil alam naman nila ang mangyayari sa loob! Tuloy ang kawawang bata ay nagsasayaw rin ng tulad ng mga dancer dun... kawawa talaga. At nakakita na ng mga bagay na di pa niya dapat makita...
Dahil nabastusan na kami (ewan ko lang sa mga pinsan kong boys) lumayas na kami dun at dumerecho na sa Baywalk. Kami namang mga girls ang magsasaya. Gusto kasi namin ng Live band. Andun yung Alamid at kumanta ng kung anik anik... at isang bandang ang tawag ay Resound.. na may poging gitaristang nagngangalang Tristan... Apat na kanta lang ang kinanta ng mga ito at natapos na ang kanilang set...
Natapos na rin ang aming gimik night. Mauulit pa ba ito? Naku. Sa Comedy Bar na lang siguro kung sakali...
Super Itik
Itik's Art
Mr_D
Epril
Afie
Aubrey
link
link
Designer:
ICE ANGEL and Kerrie
Brushes:
1|
2|
3
BaseCodes by
!takeaway